Nababahala ang isang agricultural group na tila pinaglalaruan at nililinlang ng kaniyang sariling tauhan si Departmernt of Agriculture Sec. William Dar.
Kaugnay pa rin ito sa kuwesyunableng pagbili ng kagawaran ng urea fertilizer para sana sa mga magsasakang naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Pambansang Mannalon, Mag-Uuma, Magbabaul, Magsasaka ng Pilipinas (P4MP) President Oftociano Manalo, posibleng mali ang mga ibinibigay na impormasyon sa kalihim para pagtakpan ang maanomalyang kontratang pinasok ng kaniyang mga tauhan.
Sa Rosales pangasinan aniya, nasa walongdaan at limampung piso ang kada sako ng abono na sadyang napakababa kumpara sa P1,000 binili ng DA.
Kasunod nito, hinamon ng grupo ang kagawaran na ipakita kung saan makabibili ng tig-isanlibong pisong sako ng abono.