Nanawagan ang grupo ng mga magsasak sa Department of Agriculture (DA) na paigtingin ang monitoring sa smuggling o pagpupuslit ng carrots at iba pang gulay sa Benguet.
Inihayag ng DA na kanila pang sinusuri kung paano dumoble ang presyo ng mga gulay partikular na ang carrots sa bansa.
Ayon kay DA Assistant Secretary at Spokesperson Noel Reyes, mas mura ngayon ang presyo ng carrots sa labas mismo ng bansa at mas mahal kung ibebenta ang mga ito sa Pilipinas.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit tinangka ng ilang mga negosyante na iligal na mag pasok ng mga gulay sa bansa partikular na ang carrots para kumita ng mas malaking halaga ng piso.
Samantala, tiniyak naman ni Reyes na nakikipagtulungan na ang kanilang ahensya sa Bureau of Customs para pigilan ang laganap na smuggling. —sa panulat ni Angelica Doctolero