Nanawagan ang grupo ng mga manggagawa sa gobyerno na maisama ang kanilang sektor sa listahan ng mga tuturukan ng booster shots.
Ayon kay Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines Spokesperson Alan Tanjusay, dapat na mapabilang ang mga economic frontliners o yung mga nakakasalamuha ng customers araw-araw.
Pabor naman dito ang mga negosyante pero anila, hindi pa ito napapanahon.
Sinabi naman ni Health Usec. Myrna Cabotaje na dapat na iprayoridad sa booster shots ang mga healthcare workers at matatanda bago ang ibang manggagawa.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico