Magpapakita ng puwersa ang grupo ng mga manggagawa sa Araw ng Paggawa sa pamamagitan ng sabay sabay na rally mula sa ibat ibang panig ng bansa.
Sa Metro Manila pa lamang, sinabi ni Elmer Labog ng Kilusang Mayo Uno na inaasahan nilang 30,000 ang lalahok sa kanilang kilos protesta.
Igigiit ng labor groups ang 750 pesos na national minimum wage at seryosong pagpapahinto sa contractualization.
Bukod sa effigy ni Pangulong Rodrigo Duterte, may inihanda ring pulang balikbayan box ang labor group bilang simbolo anila ng murang pasuweldo sa mga manggagawang Pilipino na regalo ni Pangulong Duterte sa China.