Siningil ng mga manggagawa ang Pangulong Rodrigo Duterte sa kabiguan nitong tuparin ang pangako na lagdaan ang EO o Executive Order na pipigil sa kontraktuwalisasyon.
Kaugnay ito sa March 15 deadline ng Malacañang sa pagpapalabas ng EO subalit hanggang sa ngayon ay tila wala pa anilang malinaw na aksyon dito ang Pangulo.
Umaga pa lamang ay sumugod na sa Mendiola ang mga miyembro ng nagkaisa Labor Coalition bitbit ang mga placards at banners kung saan nakalagay ang “stop workers exploitation at regular jobs not contractual”.
Nagpahayag ng pangamba ang grupo na matulad sa win-win solution ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang kompromiso na sinasabi ng Pangulong Duterte.
Matatandaan na naglabas ng department order si Bello kung saan may mga employers pa ring exempted sa pagre-regular ng kanilang mga empleyado.
—-