Sinugod ng iba’t ibang grupo ng mga mangingisda at makakalikasan ang Manila Bay bilang protesta sa paglalagat ng dolomite rocks sa bahagi ng pampang nito.
Ang mga naturang grupo sa pangunguna ng Pamalakaya ay nagsagawa ng programa malapit sa Rajah Sulayman Park ng alas-7 ng umaga at nagjogging pa ang mga raliyista bilang bahagi ng kanilang aktibidad.
Iginiit ng protester na hindi aesthetic surgery kung natural rehabilitation ang dapat ginawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Manila Bay.
Bitbit ang mga placard at nag-oobserba ng physical distancing, kinuwestyon din ng protesters ang budget na ginamit sa nasabing proyekto sa gitna ng kinakaharap na coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.