Nanganganib na maapektuhan na ang turismo sa bansa dahil sa usapin ng laglag bala modus sa mga paliparan.
Ayon kay Nenette Aguirre – Graf, Vice President ng Boracay Foundation, dapat bilisan ng mga kinauukulan ang pag-aksyon upang mabigyan ng katiyakan ang mga biyahero na ligtas pa ring lumabas at pumasok sa bansa.
Paliwanag pa ni Graf, dumaragsa na ang mga nagtatanong sa kanilang foreign counterparts hinggil sa usapin dahil sa nababalitaan nila ito sa social media.
Kung hindi masosolusyunan, iginiit ni Graf na mababalewala ang kampaniya ng pamahalaan gayundin ng mga pribadong kumpaniya na manghikayat ng mga turista sa bansa kung hindi mapipigilan ang lumalalang problema.
By Jaymark Dagala