Nakiusap ang mga grupo ng Overseas Filipino Workers sa Commission on Elections, na huwag nang i-deactivate ang voter registration ng mga OFW na hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na eleksyon.
Ayon sa petitioners, maraming balidong dahilan kung bakit hindi nakakaboto ang mga OFW, at kasama na dito ang isyu ng seguridad, at ang lokasyon ng pinagta – trabahuhan at ng mga presinto kung saan sila maaring bumoto.
Kabilang sa mga lumagda sa petisyon, ang mga grupo na kinabibilangan ng Global Filipino Diaspora Council, US Pinoys for Good Governance at European Network of Filipino Diaspora.
By: Katrina Valle | Allan Francsico