Sinugod ng mga tsuper ang opisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City.
Bitbit ang mga streamer at placard na umaapela ng ayuda ng gobyerno.
Humihirit ng balik pasada sa LTFRB ang grupo ng mga tsuper at operator ng jeep.
Sa pangunguna ng Piston nag-martsa ang mga driver at operator patungong LTFRB office kung saan sinamahan sila ng mga miyembro ng Kabataan Partylist at College Editors Guild of the Philippines.
Sinabi ng Piston na maliit pa rin ang idinagdag na 60 ruta ng LTFRB para sa traditional jeep sa Metro Manila.