Nagtipun-tipon sa harap ng Bonifacio Shrine sa Maynila ang iba’t ibang grupo ng mga Muslim at Kristyano na sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa nasabing pagtitipon noong Huwebes, lumagda ng manifesto ang Solidarity Convention of Muslims and Christians.
Ayon sa grupo, layunin ng kanilang pagtitipon na ipahatid kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikiisa nila sa mga programa ng administrasyon.
Pinapurihan din ng grupo ang Pangulo para sa kampanya nito kontra iligal na droga.
By: Avee Devierte / Aya Yupangco