Pinapapalitan ng DOJ o Department of Justice gayundin ng BUCOR o Bureau of Corrections ang mga miyembro ng PNP SAF o Special Action Force na nagbabantay sa NBP o New Bilibid Prisons.
Kasunod na rin ito ng natanggap na ulat ng DOJ na muling nagbalik ang bentahan ng iligal na droga sa loob mismo ng pambansang piitan.
Subalit paliwanag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, bagama’t nalansag na ang 75 porsyento ng transaksyon ng droga sa loob, may natitira pa ring lima hanggang sampung porsyento na nakalulusot.
Dahil dito, nakipag-usap ang kalihim kay SAF Director Benjamin Lusad para sa pagpapadala ng panibagong grupo para palitan ang mga kasalukuyang nakabantay sa biibid.
Batay sa orihinal na plano, magpapalitan ang mga miyembro ng SAF at ng Philippine Marines sa pagbabantay sa NBP ngunit dahil sa nangyari sa Marawi ay SAF na ulit ang papalit sa mga kapwa nila nagbabantay duon.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo
Grupo ng PNP-SAF na nagbabantay sa Bilibid papalitan ng DOJ was last modified: July 4th, 2017 by DWIZ 882