Hinimok ng grupo ng pork producers ang gobyerno na magsagawa ng pork, chicken national summit.
Ayon kay Propork Vice President Nic Briones, layon ng summit na ito na magkaroon ng dayalogo sa kasama ang mga stakeholders para solusyunan ang problema sa presyuhan ng baboy at manok.
Ani Briones, magpapatuloy ang pork holiday protest ng mga tindero dahil sa price ceiling na itinakda kung saan mga retailer at traders ang nahihirapan.
Kasabay ng pagsisimula ng price cap sa presyo ng baboy at manok, nagsagawa rin ng pork holiday ang mga tindero para ipakita ang kanilang pagtutol dito.