Umapela ang grupo ng mga tilapia growers sa Department of Agriculture (DA) para payagan silang mapuntahan ang kanilang mga pala isdaan.
Ayon sa grupong Taal Lake Aquaculture Alliance, kailangan nila ng 4 na oras para mapakain ang kanilang mga isda at siguraduhing maayos ang kalagayan ng mga ito.
Anila, malaki ang maitutulong ng window hours kung sakaling mapatupad ito.
Giit pa ng grupo, bigyan sana sila ng ID pagdating sa checkpoint at isusuko na lamang ito paglabas nila ng hapon.
Samantala, mayroong 6,000 tilapia cages ang nasa bayan ng Agoncillo, Laurel, Talisay, San Nicolas at Cuenca sa Batangas.