Planong umapela sa Department of Transportation (DOTr) ang grupo ng transportasyon hinggil sa mataas na singil sa presyo ng produktong petrolyo na ipinatupad nayong araw.
Ayon kay Obet Martin, presidente ng PASANG MASDA, nabigla ang mga tsuper sa mahigit P6 dagdag-presyo ng langis dahil hindi pa sila nakakabawi sa dagdag-pasahe ng mga pasahero kaugnay sa panibagong fare matrix ng LTFRB.
Kasunod rin ito ng P4 rollback kamakailan na ika-5 sunod na linggo na sa pagpapatupad ng mababang presyo.
Iginiit ni ka-Obet, na mas lalo lang naging pasanin ng mga tsuper at motorista ang ipinatupad na dagdag-singil ng ilang kumpaniya ng langis.
Dahil dito, makikipagdayalogo sa ahensya ang ilang grupo ng transportasyon, para sa pagpapatuloy ng Government Service Contracting Program, fuel subsidy o diskwento sa krudo o ang pag-renew sa automatic fare adjustment formula.