HomeNATIONAL NEWSEXPLAINERSIsang guro, pinatunayan ang pagiging ikalawang magulang sa mga estudyante nang tumayo ito bilang magulang ng estudyanteng nag-iisa sa parents day
Ihahatol na ng PNP o Philippine National Police sa susunod na linggo ang parusa sa grupo ni Supt. Marvin Marcos.
Ito’y kung ibabasura ng DPRM o Directorate for Personnel and Records Management ang motion for reconsideration na inihain nina Marcos para sa kanilang kasong administratibo.
Ayon kay DPRM Chief Police Director Rene Aspera, Marso pa inilabas ni PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang mga parusa para kay Marcos at sa grupo nito.
Pero hindi agad naipatupad ang hatol dahil umapela pa ang grupo ni Marcos.
Sa ngayon, sinusuri na anya ng mga abogado ng PNP ang mosyon nina Marcos kung ito’y pagbibigyan o hindi.
Saka ito iaakyat kay General Dela Rosa na siyang mag-aapruba ng desisyon.
Nag-ugat ang mga parusa sa grupo ni Marcos matapos mapatunayan ng PNP-IAS o Internal Affairs Service na nagsabwatan ang ilang dating miyembro ng CIDG Region 8 para patayin si dating Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Possible suspension
Posible pa ring masuspinde ng apat (4) na buwan si Supt. Marvin Marcos kahit pa kababalik lamang nito ngayon sa trabaho.
Ayon kay DPRM o Directorate for Personnel and Records Management Chief Police Director Rene Aspera, gumugulong pa kasi ngayon ang kasong administratibo ni Marcos at ng mga kasamahan nito at hindi pa naibababa ang hatol ng PNP sa ginawang pagpatay ng mga ito kay dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Ayon sa PNP Ias o Internal Affairs Service na siyang nag-imbestiga ng kaso nina Marcos, 9 sa mga miyembro ng CIDG Region 8 na tauhan ni Marcos ay nahaharap sa isang ranggong demosyon, kabilang na sina Supt Santi Noel Matira at Chief Inspector Leo Laraga.
Suspensyon naman sa trabaho ang kinahaharap ngayon ni Supt. Marcos at ng tatlo pang miyembro ng CIDG Region 8.
Inabswelto naman ng IAS ang isang miyembro ng CIDG Region 8 at 6 na miyembro ng PNP Maritime Region 8 dahil walang ebidensyang nakalap ang IAS na magdidiin sa mga ito sa kaso.
Ayon kay IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, nakatulong ang mga natanggap noon na awards at citation ng grupo ni Marcos para bumaba ang parusa sa mga ito at hindi umabot sa pagkakatanggal sa serbisyo.
By Jonathan Andal (Patrol 31)
Grupo ni Supt. Marcos hahatulan na ng PNP sa susunod na linggo was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882