Pinababantayan ng grupong Laban Konsyumer Inc. sa WES-M o Wholesale Electricity Spot Market ang mga power generators at distributors.
Ito’y ayon kay Laban Konsyumer Convenor Atty. Vic Dimagiba ay dahil sa posibilidad ng sabwatan ng mga ito para mapataas ang singil sa kuryente na papasanin ng mga konsyumer.
Ginawa ni Dimagiba ang pahayag sa maisailalim ng dalawang beses sa yellow ang alert status ng kuryente na nangangahulugan ng pagnipis sa suplay nito dahil sa mataas na demand.
“Babagsak kunwari ang mga planta hindi mo alam kung bakit. Pero nag-spike ng presyo sa spot market, so, yun ang isang dapat batayan habang umpisa pa lang itong summer at nag-umpisa nanaman yang yellow alert, tingnan muna nila yung pattern…pattern ng pagtaas presyo at pagbaba. 24 hours yan eh, kaya at the end of 24 hours hindi natin alam kung mataas siya o mababa.” Tinig ni Atty. Dimagiba.