Iprinisenta sa media ni Philippine National Police (PNP) Chief, Dir. Gen. Ronald dela Rosa ang tatlong (3) suspek na nasa likod umano ng vigilante killings sa Vitas, Tondo, Maynila.
Kinilala ni Dela Rosa ang tatlo na sina Alfredo Alejan, 42-anyos; Manuel Murillo, 33-anyos at Marco Morallos, 42-anyos na nag-rerecruit ng mga miyembro mula sa barangay peacekeeping team na tumutulong sa anti-illegal drugs campaign ng PNP.
Ayon kay General Bato, miyembro ang mga suspek ng “Confederate Sentinel Group Tondo 2” at sangkot sa pagdukot at pagpatay sa binatilyong si Charlie Saladaga, na isa umanong magnanakaw na narekober ang bangkay na palutang-lutang sa Manila Bay, malapit sa Isla Puting Bato.
Itinuro ng tatlo (3) si Ricardo Villamonte alyas Commander Maning bilang kanilang leader na nananatili namang at-large.
Samantala, positibong itinuro ni Cristina Saladaga ang tatlo na dumukot sa kanyang anak na si Charlie noong Enero 1.
By Drew Nacino | Report from Jonathan Andal (Patrol 31)