Sumugod sa tanggapan ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang transport group na ACTO at PISTON.
Kinalampag ng PISTON at ACTO ang pamahalaan para huwag nang ipatupad ang pag-phase out sa mga lumang jeepney at pamimilit sa mga operator na pumasok sa iskemang modernisasyon.
Ayon kay PISTON President Emeritus George San Mateo, kinokondena nila ang mga bagong kondisyon para makapagrehistro na bahagi ng panggigipit para maipatupad ang aniya’y bogus at negosyong modernisasyon.
Tinututulan din ng grupo ang pamumwersa umano ng pamahalaan na pumaloob sa mga kooperatiba o korporasyon ang mga maliliit na operator.
Maliban dito, inaaray ng grupo ang walang habas na pagbubukas ng mga bagong linya na sumasagasa sa ruta ng mga pampublikong sasakyan.
Iginiit ni San Mateo na dadalhin nila ang mga isyung ito hanggang sa mismong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.