Tiniyak ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Secretary General Renato Reyes na magpapatuloy ang kanilang pagkilos para ipaglaban ang soberanya ng bansa.
Ito ay sa kabila ng naranasang marahas na dispersal noong isang buwan sa rally sa tapat ng embahada ng Amerika.
Sinabi ni Reyes na sa kanyang pagkakaalam ay kinasuhan din sila, kasama ang mga nasagasaan ng police mobile subalit hindi pa nila ito natatanggap.
Bahagi ng pahayag ni BAYAN Secretary General Renato Reyes
US-PH rifle deal
Walang dapat ikabahala ang Pilipinas sa pagpigil ng US State Department sa pagbebenta ng 26,000 assault rifles sa Pilipinas.
Binigyang diin ni BAYAN Secretary General Renato Reyes na ito ay dahil maliban sa marami pang ibang bansa na maaring pagkunan ng armas, isa din itong pagkakataon para maipakita natin na kaya ng pilipinas na tumayo sa sariling paa.
Hindi din kumbinsido si Reyes na ang mga umano’y human rights violation, ang tunay na dahilan ng Amerika sa naturang hakbang.
Bahagi ng pahayag ni BAYAN Secretary General Renato Reyes
By Katrina Valle | Balitang Todong Lakas