Hindi pa rin kuntento ang mga militanteng mambabatas sa usad-pagong na pagbibigay katarungan sa 58 biktima ng Maguindanao Massacre.
Ayon kina Bayan Muna Representatives Neri Colmenares at Carlos Zarate, naniniwala sila na mailap pa rin ang hustisya para sa mga biktima at nagpapatuloy ang paghahari ng “state of impunity” o special treatment sa bansa.
Nakapagtataka anilang nakagagamit pa ng mga legal remedy ang pamilya Ampatuan na upang i-repaso ang kaso mula sa Department of Justice, Court of Appeals hanggang Supreme Court.
Iginiit nina Colmenares at Zarate na hindi nila mabatid kung bakit tila inaamag ang kaso gayong umaapaw na sa ebidensya na magdidiin sa mga akusado.
Umaasa naman ang dalawang kongresista na makakamtan din ng mga biktima at kanilang pamilya ang katarungan sa lalong madaling panahon.
By: Drew Nacino