Posibleng ang isang grupong tinaguriang Black Flag Movement ang nasa likod nang pagpapasabog sa night market sa Davao City
Ipinabatid ito ni Task Force Davao Commander Col Henry Robinson Jr. Sa gitna na rin nang patuloy na imbestigasyon sa nasabing krimen
Sinabi ni Robinson na isang Abdurahman ang pinuno ng Black FLAG movement na tinagurian ding Khalifa Islamiya Mindanao at may ugnayan aniya sa Abu Sayyaf Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Maute Group
Kasabay nito,ipinabatid ni Robinson na may mga tao pa silang tinututukan na posibleng responsable rin sa insidente
Tiwala ang hepe ng Task Force Davao na maaaresto na sa mga susunod na araw ang nasa likod ng nasabing pagsabog
By: Judith Larino