Magsasagawa umano ng kilos protesta ang grupong Gabriela laban sa Miss Universe Beauty Pageant sa paniniwalang pagsasamantala ito sa katawan ng babae.
Sinabi rin ni Congresswoman Arlene Brosas, tila layon ng Miss Universe na manipulahin at lokohin ang taumbayan sa tunay na imahe ng bansa.
Gusto, aniya, nitong ipakita sa sambayanan na may kapayapaan at katatagan ngunit ang totoo’y may kahirapan ng kababaihan.
Dagdag pa ni Brosas, na layunin ng Miss Universe Beauty Pageant na takpan ang araw-araw na nagaganap na extrajudicial killing, hindi pagpapalaya sa mga political detainee, at pagsasamantala sa mga kababaihan.
Ang Miss Universe Pageant ay gaganapin sa Enero 30, sa Mall of Asia Arena sa Pasay na kung saan ay kokoronahan sa huli ng kompetisyon ang susunod sa yapak ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc / Race Perez