Kinalampag ng Gabriela Partylist kaninang umaga ang isang gasolinahan sa Quezon City bilang pagtutol sa patuloy na taas-presyo sa produktong petrolyo.
Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, magdudulot ng higit na pagsirit sa presyo ng pagkain at mga pangunahing bilihin ang patuloy na pagsipa ng presyo ng langis na aniya ay masakit sa bulsa ng mga tsuper at mamimili.
Kaugnay nito, muling ipinanawagan ng kongresista ang pagsasabansa ng petron bilang solusyon sa walang patid na oil price hike, pag-alis sa oil excise tax, pagbasura sa oil deregulation at pagkakaroon ng centralized procurement ng petrolyo.