Itinuturing ni Senador Antonio Trillanes IV ang grupong Kadamay o Kalipunan ng Damayang Mahihirap bilang ‘front’ ng komunistang grupo.
Ginawa ni Trillanes ang pahayag makaraang bigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kadamay ng libreng pabahay na para sana sa mga pulis at sundalo.
Tahasang sinabi ni Trillanes na napapalibutan na ang Pangulo ng mga miyembro ng Central Committee ng Communist Party of the Philippines na siyang nadidikta ng mga polisiya sa pamahalaan.
Tinukoy ng Senador ang mga senior member ng CPP-NPA-NDF na sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Labor Secretary Silvestre Bello III na aniya’y isang “active national democrat.”
By Meann Tanbio