Mariing itinanggi ni Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo na kinukonsinte nila ang grupong KADAMAY o Kalipunan ng Damayang Mahihirap na umokupa sa mga pabahay ng pamahalaan sa Bulacan.
Ito ang reaksyon ng kalihim makaraang batikusin hinggil sa ginawang pamamahagi nila ng tulong sa mga miyembro ng KADAMAY na inalmahan naman ng mga lehitimong nakatira sa mga nasabing pabahay.
Giit ni Taguiwalo, tumugon lamang sila sa kahilingan ng mga miyembro ng KADAMAY lalo’t marami sa kanila ay pawang mga nakatatanda gayundin ay may mga kasamang maliliit na bata.
Sinasabing kabilang ang KADAMAY sa Umbrella Organization ng maka-kaliwang grupo tulad ng Ibon Foundation at MAKIBAKA na dating kinabibilangan ni Taguiwalo.
By: Jaymark Dagala