Magsasagawa ng malawakang protesta ang grupong KADAMAY para ipanawagan ang pamamahagi ng mga bakanteng pabahay ng gobyerno para sa mga mahihirap na walang matirhan
Ayon kay KADAMAY Chairperson Gloria Arellano, dapat nang ibigay ng libre sa mga mahihirap ang mga nakatiwang tiwang na bahay na ipinatayo ng NHA o National Housing Authority
Nasa 53 libong bahay anya para sa mga pulis at sundalo sa ibat ibang lugar ang bakante na mapakikinabangan sana ng mga mahihirap
Ayon pa kay Arellano, sa halip na sunod sunod na i-demolish ng gobyerno ang mga tinitirhan ng mga informal settlers, dapat ay tutukan na lang ng mga ito ang kanilang mga palpak na housing projects
Una nang nagbanta ang KADAMAY na ookupahin din nila ang ilang nakatiwang wang na pabahay ng NHA matapos ibigay ng Pangulong Rodrigo Duterte ang inikupa nilang mga housing units sa Pandi, Bulacan.
By: Jonathan Andal