Binatikos ng grupong Karapatan ang pag aresto sa hinihinalang lider ng NPA o New Peoples Army habang naka – confined sa isang ospital sa Tagbilaran City, Bohol.
Ayon sa grupo, nagpapagaling pa sa Ramiro Memorial Hospital si Pedro Lumantas nang mag – serve ng warrant ang mga pulis para sa kasong di umano’y recycle lamang.
Nasa pagamutan si Lumantas matapos itong mabaril sa isang firefight.
Binigyang diin ng grupo na ang ginawa ng mga pulis ay hindi makatao para sa pasyenteng nangangailangan ng atensyong medikal.
Hinamon pa ng grupo ang mga otoridad na kung talagang matibay ang kinakaharap na kaso ni Lumantas ay dapat na maghintay na gumaling bago siya paharapin sa kaso.