Sumugod sa labas ng Kampo Krame ang nasa 30 miyembro ng isang militanteng grupo.
Ito ay upang ipanawagan ang pagpapalaya sa mga babaeng political prisoners, kasabay ng paggunita sa International Human Rights Defenders’ Day.
Ayon sa Karapatan, dapat nang palayain sina Honey Mae Suazo, Cora Agovida at iba pang mga human rights activist na patuloy na nakakaranas anila ng panggigipit mula sa estado.
Si Agovida ay ang taga-pagsalita ng Gabriela NCR at inaresto ng PNP CIDG sa Tondo Manila noong Oktubre 31 dahil sa pag-iingat ng mga armas.
Habang dinukot naman anila ng mga pulis si Suazo, ang regional officer ng grupong Karapatan sa Southern Mindanao matapos mapaulat na nawawala ito simula noong Nobyembre 2.
Samantala, iginiit naman ng PNP Spokesperson Police Brig. General Bernard Banac na patuloy nilang itinataguyod ang karapatang pantao at sinusunod ang rule of law. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)