Nakatakdang ilunsad ngayong araw ang grupong lalaban sa planong destablisasyon sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pangungunahan ni Davao City Mayor at presidential daughter Sara Duterte ang paglulunsad sa grupong Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines sa Marquis Events Place sa Bonifacio Global City, Taguig mamayang alas-10:00 ng umaga.
Sa kanyang Facebook page, nanawagan si Inday Sara sa mga supporter ng kanyang ama na dumalo at makiisa sa naturang event.
Inaasahang makikibahagi dito ang mga grupong sumuporta at nagtaguyod sa kandidatura ng Pangulo.
—-