Tinawag ni si Atty. Rona Caritos, executive director ng LENTE na suicide, ang pagpapasa ng Anti – Dynasty Bill.
Sinabi ni Caritos na sa kabila ng pangangailangan para dito, malabo pa din itong maisulong, lalo na at karamihan sa mga mambabatas ay bahagi ng isang political dynasty.
“Ang pamilyang yan ay hindi lang po 10 taon na ruling power sa kani-kanilang lugar kailang natin ang anti-political dynasty, ang problema mukhang hindi yan maipapasa eh kasi kung ipapasa yan ng Kongreso eh para silang nag-suicide.” Ani Caritos.
Campaign expenditures & vote buying
Naniniwala si Atty. Rona Caritos, Executive Director ng LENTE na malaki ang pangangailangan na itaas ang halaga ng limit para sa mga gagastusin sa pangangampanya.
Iginiit ni Caritos na ito ay para matiyak na mas makatotohanan ang isusumiteng listahan ng mga kandidato, para sa kanilang mga ginastos sa kampanya.
“Alam naman po nating lahat na nagbago na po yung value ng pera, ang nagiging strategy ay itago yung mga gastos.” Dagdag ni Caritos.
Sinabi din ni Caritos na hindi masusugpo ang problema sa pagbebenta ng boto, hanggat hindi nagkakaroon ng tunay na alternatibong kandidato.
“Alam naman po yun ng mga botante natin, ang problema lang po talaga wala pong ibang kumakandidato o tumatkbo sa isang lugar, alam niyo po yung pare-parehong pangalan, sila-sila na lang yung tumatakbo, kung minsan wala na pong choice eh sa eleksyon natin.” Paliwanag ni Caritos.
Paalala sa mga botante
Pinaalalahanan ng grupong LENTE o Legal Network for Truthful Elections ang mga boboto sa nalalapit na Halalan 2016.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni LENTE Executive Director Atty. Rona Ann Caritos na hindi magandang ehemplo ang mga kandidatong sobrang laki ng ginastos na maaaring maging ugat aniya ng korapsyon.
Ang pahayag ay ginawa ni Caritos matapos sabihin ng COMELEC na mahigpit nilang babantayan ang campaign expenditure ng mga kandidato.
“Ang panawagan po natin sa mga tao kasama na po ang COMELEC at ibang organisasyon ay pag-isipan yung mga kandidatong ngayon pa lang ay malaki na ang gastos, or ngayon pa lang nali mo nang nakikita ang mukha sa TV o naririnig sa radyo kasi alam naman po nating lahat na yung mga ganyang gawain ay may katumbas na pera, at hindi yan maliit na pera kung hindi malaking pera, at kung titignan natin na negosyo ang isang pagtakbo sa posisyon, investment ‘yan at kapag nag-invest ka sa isang bagay, hindi lang na gusto mong makuha yung katumbas ng in-invest mo kung hindi gusto mo meron kang kikitain or profit doon sa investment mo, at ang lagi naming sinasabi sa LENTE, diyan nagsisimula ang korupsyon.” Pahayag ni Caritos.
By Meann Tanbio | Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit