Isang grupo ang binuo para labanan ang pang-aabuso ng mga malalaking negosyante.
Tututukan ng grupong tinaguriang SUKI ng Bayan o Samahan at Ugnayan ng mga Konsumer para sa Ikauunlad ng Bayan, ang pangunahing interes ng publiko at mga mamimili laban sa panlalamang.
Sinabi ni Grace Chua, isa sa mga miyembro ng SUKI ng Bayan, na partikular nilang babantayan ang singil sa kuryente at presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay dating Congressman Neri Colmenares, miyembro din ng grupo, babantayan din nila ang mga singil sa pasahe ng MRT at LRT maging ang pamasahe sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeep at bus.