Naniniwala ang isang OFW group na makikinabang din ang mga OFW sa California sa Estados Unidos kapag tuluyan nang naipasa ang Domestic Workers Bill of Rights doon.
Sa nasabing panukala, nakasaad na magbibigay ito ng tamang overtime pay at sapat na pahinga sa lahat ng domestic worker sa California kabilang na ang mga Pinoy.
Kasama rito ang mga kasambahay, yaya, at caregiver.
Ayon sa Grupong Migrante, dahil sa panukalang ito, mapipigilan ang talamak na pang-aabuso sa mga DH sa Amerika.
Madaragdagan din, anila, ang perang maipadadala ng mga OFW mula sa California patungo sa Pilipinas.
Sa ngayon, isang boto na lang ng Assembly Appropriations Committee ang hinihintay para maging ganap ng batas ang Domestic Workers Bill of Rights.
By: Avee Devierte