Tukoy na ng Bangladesh Central Bank ang grupong nag-hack at nakapagnakaw ng 81 million dollars sa bangko.
Ayon sa report ng Bloomberg, tatlong grupo na kinabibilangan ng 2 bansa ang natukoy ng posibleng may kinalaman sa hacking subalit ang ikatlong grupo di umano ang mayroong pinakamalaking posibilidad na nasa likod ng hacking.
Nakakita di umano ng digital fingerprints ng hacking groups mula sa Pakistan, North Korea at hindi matukoy na grupo ang Fire Eye Inc., ang kumpanyang inupahan ng bangladesh para magsagawa ng forensic investigation.
Batay sa report, wala pang nakitang sapat na datos ang Fire Eye upang matukoy kung ang ikatlong grupo ay isang criminal network o nagsisilbing ahente ng isang bansa.
By Len Aguirre