Lubos na matutuwa ang grupong Pasang Masda sakaling aprubahan ng gobyerno ang kanilang hiling na apat na pisong taas-pasahe.
Ayon kay Pasang Masda National President Obet Martin, malaking tulong na ito sa kanilang sektor lalo na’t patuloy sa pagsipa ang presyo ng produktong petrolyo.
Kaugnay nito, hinihikayat niya ang urged the Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) at Department of Budget and Management (DBM) na magpulong at resolbahin agad ang pamamahagi ng 6K at P500 fuel subsidy para sa mga tsuper.
Matatandaang nagpasa na ng kinakailangang dokumento para sa request na kabuuang 2.5M subsidiya mula sa DBM.
Pero nilinaw ni Martin na kabilang sa higit 2M budget ang mga tricycle drivers na apektado rin ng serye ng taas-presyo sa produktong petrolyo. -sa panulat ni Abie Aliño-Angeles