Pinaplantsa na ng PISTON o Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide ang kanilang ilalargang nationwide protest sa Lunes, Pebrero 19.
Ayon kay PISTON President George San Mateo, bahagi pa rin ito ng pagtutol ng grupo sa “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” program ng gobyerno.
Aniya, magsisimula ang assembly sa Welcome Rotonda sa Quezon City saka mag ma martsa patungong Mendiola sa Maynila.
Bukod sa Metro Manila, magsasagawa rin ng kahalintulad na pagkilos ang mga PISTON members sa Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Bicol, Cagayan De Oro, Davao at Baguio City.