Ilalarga na ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ang kanilang transport strike sa Metro Manila kontra sa walang prenong oil price hike.
Muling nanawagan ang grupo sa gobyerno na suspendihin ang Fuel Excise Tax at ibasura na ang Oil Deregulation Law.
Sisimulan ng PISTON ang aktibidad mamayang alas dose ng tanghali hanggang alas dos ng hapon.
Ilulunsad ang rally sa ilang piling lugar gaya sa Litex Terminal, sa Commonwealth, Quezon City at Pedro Gil, Maynila.
Ito ang unang beses na maglulunsad ng strike ang PISTON ngayong taon.