Balak maghain ng kontra demanda ng tinaguriang Pride 20 laban sa mga pulis na umaresto sa kanilang kasamahan na nagrally sa lungsod ng Maynila nuong isang linggo.
Giit ng mga grupong Bahaghari, Sanlahi at Gabriela, wala silang nilalabag na batas sa halip ay sinunod pa rin nila ang minimum health standards tulad ng physical distancing at pagsusuot ng facemask.
Umaasa ang grupo na maglalabas ng resolusyon ang Manila City Prosecutor’s Office para payagan silang makapaglagak ng piyansa
Una nang iginiit ng Manila Police District (MPD) na mass gathering ang kanilang naging paglabag dahil umiiral pa rin ang general community quarantine sa Metro Manila.
Dahil dito, nagsampa ng reklamo ang MPD laban sa grupo na paglabag sa Batas Pambansa 880 o Freedom of Assembly Act at Republic Act 11332 o ang mandatory reporting of notifiable diseases and health events of public health concern act.