Dumulog na sa Santo Papa, ang grupong Salinlahi at ang pamilya ng mga lider ng Lumad, na pinaslang sa Surigao del Sur.
Ito ay kasunod ng kanilang pagsugod sa apostolic nunciature, ang tahanan ng santo papa, kaninang umaga.
Iginiit ni Carlo Manalo, Secretary General ng Salinlahi na marami nang nilapitan ang grupo ng mga Lumad, at umaasa silang kakampihan sila ng Santo Papa, sa kanilang laban.
“Humihingi tayo ng tulong kay Pope Francis dahil sa nakikita natin na ito ang magiging kakampi natin dito sa ipinaglalabang hustisya. Nakalulungkot na mismo ang pamahalaan natin ang nagungunang lumalabag doon sa karapatan ng mga bata.”
By: Katrina Valle| Aya Yupangco