Hihilingin ng SPARK o Samahan ng mga Progresibong Kabataan sa Korte Suprema na linawin ang inisyu nitong TRO sa Curfew Ordinances ng Maynila, Quezon City at Navotas
Kasunod na rin ito ng pahayag ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na ipapatupad pa rin ng Barangay Officials ang Curfew sa kanilang lungsod dahil ang sakop ng TRO ay City Ordinance 2301-2014 o ang Quezon City Discipline Hours for Minors
Sinabi ni Atty Jesus Falcis, abogado ng SPARK na dapat linawin ng High Tribunal kung sakop ng desisyon ang pagpapatupad ng Curfew ng barangay
Gayunman binigyang diin ni Falcis na kung walang kapangyarihan ang lungsod na magpatupad ng Curfew, lalo pa ang mga barangay na nasa ilalim ng Control at Supervision ng City Government
By: Judith Larino