Sinisisi ng United Broilers Raisers Association (UBRA) ang Department of Agriculture (DA) sa patuloy na pagkalat ng bird flu sa bansa.
Paliwanag ni UBRA Chairperson Gregorio San Diego, bago pa mapuntahan ng mga tauhan ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang mga manukan na positibo sa sakit ay marami na ang namatay sa kanilang alaga.
Dahil dito, hindi lahat sa kanilang mga alaga ang nababayaran kung kaya’t may iba na napipilitang magbenta pa rin ng manok kahit may sakit.
Samantala, problema pa rin hanggang ngayon ang kakaunting suplay ng itlog sa bansa.
Aniya, dahil sa mahal na presyo ng mga patuka, marami ang umalis sa industriya na nagresulta ng pagbaba ng produksyon ng itlog.