Hindi palalampasin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iligal na pag-okupa ng urban poor group na KADAMAY sa mga pabahay ng National Housing Authority sa San Jose del Monte City at Pandi, Bulacan.
Ayon kay Pangulong Duterte, malinaw na lumabag sa batas ang grupo dahil sa kawalan ng mga dokumento ng mga miyembro nito.
Pahayag ng Pangulo, hindi siya papayag na gawing inutil ang gobyerno kasunod ng marahas na hakbang ng KADAMAY na basta na lang pasukin ang mga pabahay sa Pandi at San Jose Del Monte nang walang pahintulot.
Sinabi ni Pangulong Duterte, gagawin niya kung ano ang dapat gawin at ito ay ang pag-i-isue ng eviction order sa grupo ng KADAMAY.
Wala aniyang dudang anarkiya ang ginawa ng grupo sa halip na makipag- dayalogo sa gobyerno.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping