Puspusan ang pagkumbinsi ng isang grupo kay Manila Mayor Isko Moreno para tumakbo sa 2022 Presidential Elections.
Kasunod na rin ito nang paglulunsad ng Young Entrepreneurs Supporting Isko Moreno (YES Isko) sa kanilang kampanya sa Bonifacio Shrine sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Ali Garangan II, Convenor Ng YES Isko, naniniwala sila sa kakayahan ng Alkalde na pamunuan ang buong bansa lalo’t malaking bahagi ng track record nito ang marami at magagandang positibong nagawa sa lungsod ng Maynila.