Sinuportahan ng pamunuan ng Government Service Insurance System (GSIS) ang mga proyektong pabahay ni Pangulong Ferdinand Macos Jr. sa pamamagitan ng pagbubukas ng kanilang housing program maging sa mga hindi miyembro ng GSIS.
Ayon kay GSIS Corporate Communications Office Vice President Margie Jorillo, layon nitong makatulong na mabawasan ang 6.5 milyong bilang ng mga Pilipinong walang sariling tahanan.
Mas pinadali na rin ng GSIS ang requirements sa kanilang programa kung saan kailangan lang na nasa legal na edad at may kakayahang magbayad ang isang Pilipino.
Pagbabahagi ni Jorillo, binilinan sila ni GSIS President at General Manager Wick Veloso na iparamdam ang ginhawa sa publiko.