Gagamit na rin ng contact tracing application ang Government Service Insurance System (GSIS) simula ngayong araw, Pebrero 8.
Ayon sa state pension fund, sisimulan ang paggamit ng StaySafe.ph app ng kanilang punong tanggapan sa Pasay City habang magkakaroon na rin nito sa iba pang sangay ng ahensya sa mga susunod na buwan.
Sa pamamagitan ng StaySafe.ph, lahat ng mga kliyente at kawani ng GSIS ay madali nang makapag-register o makapagbigay ng kanilang health status at komprehensibong contact tracing report sa nasabing tanggapan ng gobyerno.