Nanawagan ang Government Service Insurance System sa mga pensiyonado ngayong panahong ng pandemya.
Sa laging handa briefing sinabi ni GSIS VISMIN Operations Group Vice President Vilma Fuentes, na layunin ng panawagan na hikayatin ang lahat ng mga pensyonado na gawing online ang kanilang mga transaksiyon, gaya ng Annual Pensioners Information Revalidation (APIR).
Kasama narin aniya dito ang application for commencement of pension o pagsisimula ng pensiyon.
Hinihimok din ani Fuentes ang lahat ng gsis pensioners na gawin ng online ang kanilang transaksyon para sa pag-a-aplay ng mga available loans na inaalok ng ahensya para sa mga kwalipikadong pensyonado.
Giit ni Fuentes, hinihikayat nila ang mga GSIS pensioner na tugunan at bigyang halaga ang pakikipagtransakayon online upang maging ligtas sa banta ng kalusugan at para makaiwas sa mapanganib na COVID-19. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)