Humirit ang Government Service Insurance System o GSIS kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagan silang makapagtaas ng monthly minimum basic pension.
Ito’y kung saan nais ng GSIS na maitaas sa 6,00 mula sa dating 5,000 piso ang minimum na pensyon ng mga retiradong empleyado ng gobyerno.
Ayon kay GSIS President at General Manager Clint Aranas, inaprubahan na ng board of trustees ang panukalang dagdag na 1,000 piso sa pensyon.
Oras na aprubahan ng pangulo, sinabi ni Aranas na nasa mahigit 67,000 pensyonado ng GSIS ang makikinabang rito.
Matatandaang 2013 pa nang huling magtaas ng pensyon ang GSIS.