Makakatanggap na ng pensyon ang mga pensioners ng Government Service Insurance System (GSIS) sa Abril 2.
Ito ang inanunsyo ni GSIS General Manager Rolando Macasaet kung saan sisimulan na aniya ang pagrerelease ng pension sa nabanggit na petsa.
Ani Macasaet, napagpasiyahan nilang paagahin ang pagbibigay ng pensyon dahil sa kasalukuyang sitwasyon dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).