Nag alok ng emergency loan ang GSIS o Government Service Insurance System sa mahigit sa 70,000 miyembro nito na naapektuhan ng kalamidad sa Cavite, Marikina at bayan ng Rizal sa Palawan.
Mayroong hanggang Agosto 25 ang mga myembro ng GSIS sa Rizal para mag aplay ng emergency loan samantalang hanggang September 9 naman ang deadline para sa Cavite at Marikina City.
Ang mga miyembro na walang emergency loan ay maaaring makakuha ng hanggang 20,000 piso samantala, ang mga mayroon pang umiiral na loan ay makakakuha ng hanggang 40,000 piso subalit ibabawas dito ang nauna nilang utang.
Ang mga kwalipikado sa emergency loan ng GSIS ay mga aktibong miyembro ng residente ng lugar kung saan naka deklara ang state of calamity, hindi naka leave without pay, walang patlang sa pagbabayad ng kanilang buwang hulog sa GSIS at walang hindi nabayarang loan sa nagdaang anim na buwan.