Pansamantalang isasara ang opisina ng Government Service Insurance System (GSIS) hanggang Oktubre 16 sa Kalibo, Aklan para sa disinfection dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsya.
Lahat ng empleyado ay sasailalim sa swab test at 14 days quarantine, subalit tuloy pa rin ang operasyon ng opisina sa ilalim ng alternative work arrangements.
Sa lahat ng inquiries at transaction sa opisina ay maaaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng email; rnabella@gsis.gov.ph, bumisita sa kanilang facebook page; GSIS Aklan Extension Office o di kaya’y maghulog ng sulat sa dropbox sa entrance ng opisina.
Kaugnay nito, nanatili pa rin ang Kalibo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa probinsya na may kabuuang 69 na kaso.—sa panulat ni Agustina Nolasco