Isang linggong sarado ang tanggapan ng Government Service Insurance System (GSIS) sa Kalibo, Aklan.
Ayon sa advisory ng GSIS Kalibo Office sa Facebook page nito, sasailalim sa disinfection ang tanggapan sa gitna na rin ng tumataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan.
Lahat din anito ng mga empleyado ay sasailalim sa RT-PCR swab test at mandatory quarantine, bagamat tuloy ang trabaho sa ilalim ng alternative work arrangements.
Isasagawa rin ang sanitation at contact tracing habang sarado ang Kalibo office ng GSIS hanggang sa biyernes, ika-16 ng Oktubre.
Batay sa Provincial Epidemiology Service Unit, ang Aklan ay nakapagtala ng 131 cases ng COVID-19 kung saan pito (7) ang nasawi at 107 naman ang gumaling.